PinoyStream Versatile Radio

Laklak – a Semiotic on Vices and Habits

2020-06-28 (Last Update: Sun, 28 Jun 2020) Dj Marshmallow 0 Uncategorized

RapRockan with Dj Marshmallow Laklak – a Semiotic on Vices and Habits

“Laklak” is one of the best Pinoy rock music which is undoubtedly literally a hit that exploded for decades among youth, radio airwaves and in most Filipino rock music gigs. Kumbaga, talagang patok na patok kahit sa mga videoke corners o sa mga inuman hindi nawawala ang kantang ito, kung kayat sobrang tinatangkilik ng mga kabataan mula pa noong dekada nobenta.

Ating titignan ang lyrics ng kantang ito gamit ang lente ng semiotics at ako naman ang inyong host sa segment ng ating programang, Raprockan with Dj Marshmallow! Ang plot ng lyrics ay may ganitong anyo: a. explorations that became a habit b. hooked up on vices c. parents advise ignored d. effects: - health problems - bad influence to others - life destroyed - symbolism on “parak” -
Mga ka-streamers, bantayan ang ating mga anak, gabayan ang ating mga kabataan! Dahil sa mga barkada at mga bisyong nakapaligid sa kanila hindi malayong maari silang mapa-sama at mapasama. Ito ang ipinahihiwatig ng ating featured Pinoy Rock song na “Laklak” ng bandang The Teeth.

Marami sa ating mga kabataan ang maagang pumasok sa bisyo ng pagiinom ng alak at sigarilyo – it’s a fact. Marahil ito ay dala ng impluwensiya ng kanilang mga barkada, sa eskwela man o sa mga tambay kung saan-saan. Ayon sa kanta, ito ay “nagsimula sa patikim-tikim…hanggang sa bisyo ay lumalim at kay hirap nang tanggalin.” Isang pagpi-picture out ng riyalidad simula sa mga kabataan na hanggang sa kasalukuyang panahon ay laganap na siyang dapat nating ikabahala. Thanks to Pres. Duterte’s campaign on drug-war at medyo nabawasan ang possible pang malala na patutunguhan ng patikim-tikim na ito ng bisyo ng ilan sa mga kabataan, and thanks to the emerging PC gaming vice diversions na pwedeng mag-iwas sa ilang kabataan sa pagbibisyo ng alak o sigarilyo at sa halip ay maglaro ng lang ng PC games, and of course, worth to mention the diversions in the field of sports na sya namang sinusuportahan ng ating pamahalaan. Subalit ang pagkakahumaling naman nila sa PC gaming ay may ibang dulot na negative na mga bagay, kailangan pa rin ng wastong disiplina sa ating mga kabataan ukol dito.

Ang bisyo po mga ka-streamers ay nagsisimula sa simpleng patikim-tikim, at madalas ay nasusundan ito ng pangalawa, pangatlo…jqk, hanggang sa magiging habitual na, which eventually fall into “vice” kapag hindi po natigil. Pansinin nyo halimbawa sa katabi mo dyan na naninigarilyo lalo na yung tinatawag na chain-smoker, hirap ho silang itigil ang paninigarilyo dahil hinahanap nila palagi ito na tila asong naglala-laway kapag hindi nakakain sa takdang oras na kanyang kinasanayan (theory of conditioning in psychology). Kaya totoo ang sinasabi ng kanta na pag ito ay nagsimulang lumalim kay hirap nang tanggalin.

Ilan sa mga halimbawa ng bisyo ay hindi lamang paninigarilyo, maaari ding bisyo ang pagti-tsismis. May alam akong kapitbahay ng may bahay na hindi kumpleto ang kanyang araw kapag hindi nakapag-tsismisan sa kanyang kapitbahay. Ooppss, once again, wala po akong pinapatamaan na tao sa mga kakilala ko, I’m just citing an indirect sample scenario and in general terms.

Naalala ko tuloy yung picture na dumaan sa newsfeed ng aking Fb na may naguumpukan na mga ginang sa tapat ng tindahan at sa bandang kanan naman ay mga naguumpukan ding mga aso. Then ang caption na nakalagay ay “alin ang mas delikadong daanan?” Ano pa ba ang ibang halimbawa ng habit na nagiging bisyo? Pakikialam ng pag-aari ng iba – mga valuable items, salapi, alahas, o kahit pagaangkin ng asawa ng may asawa (pakikiapid). Lahat po ng uri ng bisyo mga ka-streamers kapag naging slave ka po nito sisirain talaga ang buhay mo, unti-unting mawawala sa iyo ang lahat – kaibigan, family, resources until such time na ma-kapagrealize ka ay huli na. Malamang ang iba dyan ay nagsisisi sa huli, yung wala na silang chance pang magbago – maaaring nasa bingit na sila ng kamatayan. I remember the movie “God’s Not Dead (2016),” parang ganito po ang scenario nung atheist na hindi naniniwalang may Dios ngunit sa huli natalo sya sa argumento ng estudyanteng Kristyano. Narealize nya ang “Truth” nung naaksidente na sya at nasa bingit na ng kamatayan. Ngunit may grasya ang Panginoon sa mga nagbabago, kumikilala at lumalapit na sa Kanya (Acts 3:19 / Jer. 15:19 / 2 Chron. 7:14). Katulad ng ipinakita ng movie na ito.

Bago pa man mahantong ang habit sa isang bisyo mga ka-streamers, isipin na po natin ang kahahantungang lagim nito. Marami nang ipinakita sa atin ang ating social reality ngayon na epekto ng bisyo. Kahit mga simpleng habit na meron ka na hindi nakabubuti sa sarili mo ay may pagkakataon pang baguhin alang-alang sa iyong minamahal sa buhay – pagiging chickboy (ehem – ako po ay nagmahal lamang, lol), panlalalaki o pakikipagrelasyon sa bawal, pagnanakaw, pagdudura o pagkakalat ng basura sa paligid (maraming may habit o mannerism nito), pagiinom ng alak ng sobra, abuso sa droga, pagiging tsismosa/tsismoso, pagiging tamad – isa ding bisyo ito, pagkain ng sobra which can cause you health problems, ang social media din po ay addictive at nakakasama kapag hindi mo alam paano ito gamitin sa tama o dalhin sa mabuting paraan, tulad ng Facebooking - nakakasunog po ito ng sinaing mo na maaring pagmulan ng away mag-asawa.

Ito po ha, tandaan po ang kaibahan ng addiction na nagdudulot ng kasamaan at sa addiction na nagdudulot ng kabutihan. Ang una po ay iyon ang tinatalakay nating habit o vice at nagdudulot ng hindi kanais-nais, ang sumunod naman ay ang tinatawag nating “virtue.” Itong pangalawa po ang nagdudulot sa atin ng kabutihan, halimbawa virtue of goodness, virtue of patience, of humility, etc.

Ayon po sa kanta ng Laklak, ang addiction po ay nagpapalungkot sa tao at kailangan nitong magtawag ng kasalo sa bisyo. Mas masaya sila kapag may kasama, di ba “ang sabi ng lasenggo sa amin, pare, shomat ka muna!” At mas lalong exciting kapag may “ka-table” din. Dito pumapasok ang impluwensya, dito nagsisimula ang tila-virus na nag-iinfect sa iba na syang dahilan ng pagkaka-hook nila dito, kasi nga mas masaya dito, kung nagkataon pa na ang nahatak nilang kumpare o kumare ay may problema pala sa bahay eh di bihag na. So ang root po palagi ay ang bahay natin, dapat dito palang ay punan na natin ng saya na hindi na hahanapin pa ng ating miembro ng pamilya sa iba because if you don’t, someone else would.

Ang sabi pa ng kanta, “kabilin-bilinan ng lola, wag kang uminom ng serbisa, ito’y hindi inuming pambata, mag softdrinks ka na lang muna.” This is obviously addressed to the youth, to the minors and most specially sa mga nag-aaral pa lamang. But the message does not limit to young people only, ito ay para din sa mga indibidwal na alipin na ng kahit anong uri ng bisyo sapagkat ang nature at epekto ng bisyo ay parehas lang sa mga bata o matatanda. Ang “lola” na binabanggit dito ay simbolo ng authority figure sa pamilya, someone who is adult na nangangaral sa mga bata, maaaring grandparents mo nga o parents, tita o tito, ninang o ninong na dapat nating igalang at pakinggan sapagkat ang mga tulad nila ay yaong mga dumaan na din sa ganyang stage ng kabataan o pagbibisyo na naranasan na ang dulot nito.

Ang huling linya ng kanta, maaaring ang iba sa inyo ay nagtataka kung bakit nasali pa ang “parak.” Noong dekada ochenta o nobenta po kasi medyo sira ang imahen ng mga kapulisan natin, although hindi naman lahat, in general ang mga pulis noon ay tulongges sabi pa ni Yorme kayat naglalakihan ang tiyan. Ito lang yung tinutukoy dito na kapag panay laklak mo ng alak lalaki ang tyan mo na mukha ka nang “parak,” actually ni-rhyme lang ang salitang “parak” sa “laklak” at nagkataon namang naging simbolo nito ang bilbil sa kakalaklak ng alak.

As a way of summary, ang kantang Laklak ay nagsasabi sa atin na ang kahit anumang “sobra” ay masama, ang salitang ito ay extremity ng “inom” lang. At kung paguusapan ang kahit ano mang kinahihiligan mo sa buhay, mapa-inom man o kung anong habit na nagiging bisyo, pag sobra ito ay nagiging masama na ang dulot.

Dito na lamang po at hanggang sa muli nating pag-raprockan dito sa PinoyStream!

Comments are disabled.