PinoyStream Versatile Radio

Lessons that Streamed-out of Covid-19

2020-06-25 Dj Marshmallow 0 Uncategorized

LESSONS THAT STREAMED OUT OF COVID-19 PANDEMIC By Dj Marshmallow

Kumusta napo mga ka-streamers. Noong nasa peak po tayo ng Covid-19 during the strict ECQ marami sa atin ang nagkaroon ng pagkakataon na lumapit sa Diyos, many has turned to social media and made it a worldwide altar where most people cast their prayers for safety or forgiveness. Ngayon karamihan ay nasa GCQ na at unti-unti nang nakakabangon muli ang ating lipunan, unti-unti nang bumabalik ang mga negosyo, dine-in sa mga restaurant, nagbubukas na ang mga palengke, ang biyahe ng mga jeep at mga tri-cycle ay bukas na rin.

Kumusta naman ang ating mga buhay, saan ang pinakauna mong pinuntahan o saan mo ba plano unang pumunta sakaling magiging normal na ang mundo, yung nakakalabas na tayo at nakakapag-travel na ng tuluyan sa kung saan natin gusto pumunta. Mas naiisip mo bang magbakasyon sa Bagiuo o Tagaytay o America o kung saan pa man? O mas iniisip mo ang pumunta muna sa bahay-dasalan o simbahan upang mag-thanks-giving sa Diyos na Siyang nagingat sayo sa kasagsagan ng Covid-19 crisis? Kayo lamang po ang makakasagot nito kung alin ang priority nyo sa sarili nyo.


Sobrang daming mga aral ang hatid sa atin ng sitwasyon ngayon ng pandemic, ang kailangan mo lamang ay makinig sa iyong paligid o magnilay sa iyong sarili. Everytime I sit down in my computer, I ask myself “now what?” I have no stable internet connection at home at umaasa lamang sa data-service ng Smart o Globe na sobrang hirap komonek, kailangan ko pang lumabas ng kalsada upang makasagap ng signal at Makita ang mga post o messages sa social media. Sa kaka-now-what ko sa harap ng computer, nabuo sa aking isipan ang ituloy ang pagsasahimpapawid na medyo naudlot nang paguwi ko galing sa Qatar.

Nilabanan ko ang hamon ng internet connection sa akin, na kung saan sumabay din ang hamon sa aking Online Classes sa kalagitnaan ng lockdown period. What I did in my online lectures is that I filmed myself and edit the video, and then pumupunta na lamang ako sa internet café upang i-upload ang aking online lectures. Hirap din akong mamonitor ang progress ng aking mga estudyante so I needed to schedule myself every other day to sit in the café to do the school thing na kung saan ay nagagastusan din ako ng sobra. Isa ito sa mga ‘challenge’ na sobrang hinamon ako. So the idea that came up is to pursue the restoration of our online radio station na kung saan ito ngayon ang ating pinagsasaluhan – the Pinoystream Versatile Radio.

Ang punto dito po dito mga Ka-streamers ay ang pagharap sa hamon ng sitwasyon – na kung saan ka restrained at constrained, doon mo ituon ang sarili sa paghahanap ng solusyon instead na hayaan mo ang sarili mo na lamunin na lamang ng problema until you can’t do anything at all. Ang starting point ng decision making na iyon ay nagbibigay ngayon ng dagdag na pagkakataon sa ating mga ka-streamers na makapag-niig sa iba pa at mga bagong kaibigan, mga bagong mukha ng programa sa social media at mga impormasyon na maaaring hindi natin naeencounter sa circle of friends natin. Pinoystream is into expanding our horizon as the way I have conceived of it. Thanks to our dear friends who supported us all the way, and much more thanks to the new friends in our PSVR family like Dj Juvy De Guzman, et al, who gave their trust to embark in our journey. Together we will discover ourselves and realize our own gifts to share with others in the Stream. Ito yung Love na ini-stream natin sa ating mga ka-streamers family at sa lahat ng mga Filipino, “streaming Love across the Filipino nation, worldwide,” most especially the “Love” with the capital “L” that streams from our Supreme Being, God, na syang hangad nating ipamalita sa pamamagitan ng ating mga religious programs dito sa Pinoystream na madalas ay hindi priority ng ibang secular online radio station.

Kaya ang sabi ko noon sa aking paskil sa fb, we are not here to compete but to complete the needs of our streamers that you may not have. While we differ in values and philosophy, the Pinoystream is here to offer formal programs. Ang ini-envision po natin dito ay i-compliment ang programang ini-offer ng KBP na saklaw ang mga land-based radio station at iangat din ang level ng online stations. Ang kaibahan natin sa landbased radio stations ay limited lamang ang naabot ng kanilang transmitter at expensive din ang pamamaaraan ng kanilang pagbo-broadcast, samantalang sa Online Broadcasting ay tag-piso na lamang po ang access sa radio (viz., you can stream thru “piso-wifi”). Bagamat ang land-based radios ay sumakay na rin sa online broadcasting, madalas sila nga din yaong may malaking existing followers dahil established na sila, tayo naman sa Pinoystream ang ating forte ay mostly public service in the real field through our outreach program na sinimulan natin noong 2016 pa po. Hangad man nating humabol sa public promotions online, hindi po iyan ang pinaka-layunin natin, ang mahalaga sa atin ngayon ay makakapaghatid tayo ng programa o mga impormasyon sa mga tamang taong uhaw sa mga alternatibong programa, at syempre uhaw din sa “good news,” and we have it here on our music station sa tulong ng ating mga Digital Jocks and Radio Host na di matatawaran ang kanilang galing sa broadcasting. Ngunit sa advocacy ng PSVR, ang kanilang mga karanasan ay ibabahagi sa atin in the spirit of volunteerism na kung saan may mga wisdom tayong matututunan.

Enough na po ang mga hugot-hugot o pasaway na mga programa, sayang ang facility ng online broadcast upang magamit lamang sa di-makabuluhang opisyo. Dito na po tayo sa PSVR, and this is the thrust that you can expect from us, our values and philosophy is built on our advocacy and the desire to impart relevant information through our online radio programs and of course, above all is the proclamation of God’s word in our Sunday programs regardless of what religion and tribes you belong this is for all of you. Alongside with this advocacy is the promotion of our distinct Filipino values embedded in our Pilipino music and practice in the Filipino family. Gusto nating i-revive and kinagisnan nating kultura ng paggalang na unti-unti nang nabubura sa kilos ng ating mga batang henerasyon dulot ng makabagong panahon at kanluraning impluwensya. Kasama ang gabay ng Diyos at kayo rin, magagawa natin lahat ito.

Happy streaming po mga Ka-streamers family!

Click here: www.pinoystreamph.com

Comments are disabled.