PinoyStream Versatile Radio

Banal Na Aso Santong Kabayo - a Semiotics on Double Standard

2020-06-26 (Last Update: Fri, 26 Jun 2020) Dj Marshmallow 0 Uncategorized

Ano nga ba ang tinatawagna “double standard?”

Ang semiotics ay isangproseso ng pag-iinterpret ng mga signs and symbols nanakapaloobsaanumangbagaynanaisnatinghimay-himayin ang kahulugan. Ito ang pamamaraang gagamitin natin upang maintindihan natin ang tinatawag na “double standard” at gagamit tayo ng jeepney (vehicle) which is the song of Yano “Banal na Aso Santong Kabayo” upang maikarganatin ang paghuhubad ng mga kahulugan nito.

Hayaan nyo po akong mag-Taglish sa aking mga sinusulat upang mas maintindihan din ng masa ang ating mga talakayan dito at sisikapin ko ring lapatan ng tamang Pilipino words ang ilang teknikal na mga salitang banyaga.

Sa lyrics ng kantang “Banal Na Aso Santong Kabayo” ng bandang Yano, ipinapakita ditto ang larawan ng isang “ale” na nagdadasal ngunit nagmumura at ang isang “lalaking” nangangaral na tila may dalang supot na kung saan hiningan ng pera ng isang batang pulubing nagmamakaawa para sa kanyang pagkain ngunit iniwasan lamang ito ng lalaki at sahalip ay lumipat ng ibang puwesto. Actually kapwa din silang manlilimos (Hahaha). The title of the song itself depicts an image of an ironical figure that shows two different sides of one coin.

Isa itong reality bilang tao ang pagkakaroon ng “two sides of a coin” ‘ika nga, depende sa uri ng personalidad ng tao at klase ng mundong ginagalawan nya, at hindi naman totally lahat ng tao ay ganito. Madalas ang nakikinitaan ng ‘pagmamata’ (stigmatize) ng ganitong double standard ay ang mga may position, may katungkulan sa institution na ini-expect nating nasa kahon ng tinatawag na “moral standard.”

Ang moral standard ay ang pagkakaroon ng paguugali o asal na ayon lamang sa dikta o tinuturo ng particular na rules o principles ng isang organisasyon o sector sa ating lipunan, na kapag ikaw ay lumabag sa alituntunin nito ay hindi kana matatawag na moral kundi magiging immoral. Halimbawa nito ay ang isinalarawan sa itaas ng kanta, ang expectation natin sa isang aleng nagrorosaryo na bumaba sa kumbento ay “dapat” magalang at mahinahon ngunit sa isang banda siya pala ay nagmumura. Human as she is, nasa loob siya ng isang kahon nadapat ang ipinapakita lamang sana nito na paguugali ay ang pagiging magalang at mahinahon sapagkat iyan ang “role” na minomodelo ng mga taong tulad nya. Maaaring depensa nya sasabihin nyang “bakit, tao lang ako!” ditto ngayon pumapasok ang pagiging “double standard” na kung saan kahit siya ay relihiyoso, tao pa rin siyang nagkakasala at “ok” lang yon. Simple lamang ito na halimbawa ngunit kung titignan natin sa kabuuang picture, ang pagkakaroon ng “excuse” ng tao sa anumang rules na kinapapalooban niya ay isang halimbawa ng pagkakaroon ng double standard dahil sa dobleng role na kanyang ginagalawan. Kasama na diyan ang mga taong nasa katungkulan ng pagiging pari for example, mga government officials, mga guro na tulad ko. Ako ay meron ding double standard, hindi naman po doble-kara, sapagkat guro ako nanagtuturo ng moral values, ngunit nasa sikular na lipunan din bilang online media practitioner nanakikilahok sa – hindi naman immoral ngunit – hindi perpektong mundo ng social media na lahat ng uri ng double standard ay naroon, like double account with dual personality, double relations, double etcetera. (Sa mga minor audience natin beware po, huwag gayahin, para lamang sa may sapat o mature na pagdedesisyon ito).

Ako ay isang guro ng GE World (Contemporary World) where we teach about the harsh influence of modern media in our Filipino culture. Ang pagsasakop ng K-Pop culture sa ating mga kabataan ngayon, ang pagkahumaling ng mga kabataan sa Mobile Legend, ang mga ito ay nagbabago ng paguugali ng ating henerasyon. Kahit mga batang elementary grades pa lang ay natututo nang magmura dahil sa pagkagigil sa nilalaro nilang ML, at ito ay nagiging ugali nila sa normal na buhay sa kanilang pamilya, tuluyan nang nilamon ang ibang mga bata dito kung kayat kailangan talaga ng striktong gabay (intervention) ng kanilang mga magulang o guardians. Maging sa mga palabas sa television, sinasadya na ng mga movie creators ang i-project sa madlang viewers ang karumal-dumal na paguugali sa mga palabas, naandiyan ang paghihiwalayan ng mag-asawa, patayan, awayan at iba pang scenario nanasasaksihan ng ating mga batang henerasyon at tila ini-inject ng media ngayon sa isipan nila na “okay” lang ang ganitong riyalidad, normal na kasi napapanood nila sa tv, kung kayat sa actual na buhay nila ay iyon din ang nagiging normal na pananaw nila at tanggap na sa kanilang isipan kung anong pag-uugali na ang meron sa kanilang paligid, lalong lalo nasa style ng pananamit, madalas nirereject na nila ang pag-uugaling “conservative” at sasabihin nilang “doon ka nalang manirahan sa bukid!”

This exactly what double standard is. Yun bang “okay” lang yan, kasi ganun naman ang napapanood natin sa tv, sa kabilang banda, sobrang nag-i-struggle ang ating mga guro sa pagtuturo ng moral values na kung saan pini-present natin sa mga bata ang both sides of a coin at ang bias natin ay siempre piliin nila, gawin nila kung ano ang higher to highest good. But sad to say minsan pagdating sa bahay pag-umupo na sila sa harap ng television o smartphone, sobrang powerful pa rin ang impluwensiya ng kanilang napapanood. Madalas kasi kung ano yung may negative values iyon din ang patok sa mga viewers kung kayat iyon din ang bias ng mga movie creators. Parang sa classroom lang din, kung ano yung mga kalokohan mas iyon ang natatandaan ng ibang estudyante kesa sa mga lessons nila (hahaha).

Sa usaping double standard na ito, ano nga ba ang dapat nating sundin? Saan nga ba tayo dapat lumugar? Check yourself, aling values ba ang masaya ka? Aling uri ng values ba ang pinag-gugugulan mo ng ilang taon sa paaralan mula elementarya, sekondarya at kolehiyo, o kung hindi man ay ano ba ang itinuturo ng mga magulang mo o ng simbahan nyo? Marami naman paraan upang matuto tayo hindi lang sa paaralan. Marami nga dyan yung tinatawag na “schooled but never educated.” Ang edukasyon ay hindi lamang sa paaralan. Madalas ang pagiging edukado ay personal na conviction, hinubog ka nga pero hindi mo naman ito inaabsorb sa sarili mo, wala din, kung kayat hindi excuse ang sabihin mong hindi ka nakatunton ng paaralan sapagkat marami pa rin diyan ang hindi na kapag-aral ngunit edukado, magalang, may morale at asensado rin. Mas saludo ako sa kanila.

Balik po tayo, so saan nga ba tayo lulugar? Unang-una, i-check mo kung alin ang priority mo sa buhay, ano ba ang pananaw mo? May iniidolo ka bang personality, may sinusunod ka bang discipline? Disipulo ka ba ng anong school of thought? Christian ka ba o kung anong religious affiliation ka man, strikto ka bang sinusunod ang mga turo ng iyong simbahan o bible? Secular ka man ngunit mahigpit mong pinapanindigan ang iyong tungkulin sa iyong organisasyon o trabaho na may respeto sa kapwa at kalikasan.

Ikaw ang makakapag-decide nito. Kailangan nating manindigan sa iisang prinsipyo o aral. May mga pagkakataon na naiipit tayo sa isang sitwasyon, ito yung tinatawag nating “moral dilemma” na nahihirapan tayong mamili kung alin ang pipiliin o ano ang gagawin. Dito mo maiaapply ang pagbabalanse ng lahat ng iyong mga natutunan sa buhay.

Sa ganang akin, ang itinuturo natin sapaaralan ay ang piliin ang highest good o nakakabuti sa nakararami, minsan tinuturo din na piliin natin ang lesser evil o ang mas kokonti ang pinsala lalo na samga extreme na mga sitwasyon. Sa simpleng usapin, sa pamilya, dapat nating isa-alang-alang ang itinuturo sa ating mga magagandang asal kung saan namumutawi ang pag-galang, pag-uunawaan, higit lalo ang pagmamahal. Yon bang may gagawin kang labag sa kalooban mo ngunit alang-alang sa minamahal mo sa buhay o para sa iba ay handa kang magsakripisyo. Kung ikaw ay ‘yong totoong “ale” sa jeep nabumaba sa kumbento, ipapakita mo dito ang pagiging mahinahon ayon sa turo ng bibliya, o halimbawa ng ina ng Panginoong Hesus na mapagkumbaba (the virtue of humility), o di kaya yung “lalaking” mangangaral na handing tumulong sa tunay na buhay at hindi priority ang pagkamal ng pera. (Alam ng mgaestudyante ko ito sa GE-World, yung choice between religion and globalism, sakaling may nag babasa nito sa kanila they can relate).

As a Christian in a real sense, we should never compromise the teachings of our Lord Jesus, hindi na dapat ditto tinatalakay ang pagpili ng lesser evil, totally winawaksi natin ang kahit nong uri ng kasamaan, gaanong kaliit man yan ay evil pa rin at taliwas sa aral na tinuturo sa atin ng Panginoon. Sabi nga diba, mahirap ang sumunod kay Kristo, kung kayat sa bawat araw-araw natin na ginawa ng Dios, bigyang pansin natin kahit sa kaliit-liitan ang mga bagay na dapat ikakapuri ng Pangalan Niya. Magsimula tayo sa ating sarili, magiging isa ang ating pananaw sa buhay, ang ating direction, ang daang tatahakin natin upang hindi tayo magkakaroon ng alinlangan, tulad ng “baka kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin.” Wala tayong dapat i-please kundi ang ating Panginoon na lumikha sa atin, hindi ang ibang tao. Sa double standard sa ating lipunan, mamili ka ng iisang standard na dapat mong sundin, ang standard ba ng iyong paniniwala batay sa turo ng bibliya, batay sa turo ng iyong pinag-aralang kurso o ng iyong career, o batay sa kung ano ang dikta ng mga tao dahil sa pinapakita ng media. Manindigan po tayo mga ka-streamers.

Hanggang sa muli po nating segment ng Raprockan na kung saan hindi lang tayo nagpapatugtog ng mga musikang Pinoy Classic Rock kundi hinihimay-himay natin ang mga kahulugan ng mga ito upang magabayan ang ating mga ka-streamers higit lalo ang ating mga kabataan nang sa ganun ay hindi sila maliligaw habang tinatangkilik nila ang mga OPM natin.

Stay safe and Godbless.

Comments are disabled.