PinoyStream Versatile Radio

Ang Buhay by Dj Juvy De Guzman

2020-06-21 Dj Marshmallow 0 Uncategorized

ANG BUHAY

Darating ang panahon Ang buhay ay magwawakas Hindi na sisikatan o lulubugan ng araw Ang iyong pinaghirapan at pinagtrabahuhan Ay mapupunta rin sa iba.

Ang importante, dapat mo itong matanto Ang kahalagahan ng buhay! Ang pinundar mong kayamanan Ang iyong kasikatan o kapangyarihan na mayron ka, Ay mawawalan ng kabuluhan.

Anumang problema o kabiguan ay magwawakas Gaya din ng iyong ambisyon at pangarap Ay mawawalan din ng saysay.

Hindi mahalaga kung ikaw ay mahirap o mayaman O anuman ang narating sa buhay Matalino ka man o mangmang Babae ka man o lalake Anuman ang iyong gulang Anuman ang iyong kulay Ay mawawalan ng halaga.

Ang buhay ba'y may kabuluhan? Gaano kahalaga ang iyong panahon? Hindi mahalaga, kung an ang iyong nakuha o nabili Dahil mas mahalaga kung ano ang iyong nabuo Na pwede mong ipamana sa sinumang iiwan mo.

Hindi mahalaga kung ano ang iyong natutunan Kundi ang lawak ng naituro mo sa iba Dahil darating ang panahon at ito ay magwawakas.

Hindi rin mahalaga kung ano ang nakuha mo Kundi kung ano ang naibigay mo Hindi mahalaga kung gaano ka kagaling sa maraming bagay Kundi ang karakter mo na di nila malilimutan.

Darating ang panahon hindi man sa Covid-19 Ay iiwan mo ang iyong katawan sa mundong ito Hubad kang ipinanganak, hubad ka ring papanaw Pagdating ng takdang panahon.

Huwag mong mahalin ang makamundong gawain At mga bagay sa mundong ito Dahil ito ay iyong iiwan sa ayaw mo't sa gusto.

Higit kaninuman o sa ano pa man Ang Diyos ang iyong pakamahalin at patuunan ng pansin Pagsisihan ang mga nagawang kasalanan Magbalik-loob ka sa Kanya habang hindi pa huli ang lahat.

Ang buhay ay hindi aksidente Ito ay ating pinili na mabuhay Kaya dapat itong pahalagahan.

Kilalanin natin Siya at sambahin Paglingkuran natin Siya ng higit sa lahat Dahil kung wala kang Diyos na kinikilala at pinaglilingkuran Anumang meron ka ay balewala ang lahat ng ito.

Kulang ang buhay nang wala ang Diyos sa puso mo Tanging ang pagmamahal Niya ang kukumpleto ng buhay mo.

"Maglalaho ang sanlibutan at mga bagay na nais mo, Pero ang kalooban ng Diyos ay mananatili magkapakilanman."

-Dj Juvy De Guzman PSVR Radio Host

Comments are disabled.